Pakinggan ang "Makihago sa Paluan", ang opisyal na theme song ng Selebrasyon ng Ika-116 Pagkakatatag ng Bayan ng Paluan- Pahago Festival. Sinulat at inareglo ni Dr. Rolando Quiñones.
Isang makulay at makasaysayang pagdiriwang na naman ang ating sasalubungin! Sa nalalapit na ika-116 na Founding Anniversary ng Bayan ng Paluan, halina’t balikan ang masasayang alaala ng mga nagdaang selebrasyon mga ngiti, tagumpay, at pagkakaisang tunay na nagpapakilala sa ating bayan.
Muling damhin ang init ng samahan at saya ng bawat Paluanon habang sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang ating mayamang kasaysayan at masiglang kultura.