Bilang tugon sa patuloy na epekto ng fuel crisis na kinakaharap ng bansa, nagkaloob ang Lokal na Pamahalaan ng Financial Assistance para sa ating mga tricycle drivers. Sa kabuuan, nasa 134 na may prangkisa ang nakatanggap ng ayuda ngayong araw, na nagkakahalaga ng โฑ2,000 bawat isa, mula sa (Assistance to Individuals in Crisis Situations) AICS Fund.
Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa inisyatiba ng ating Punongbayan Michael โAdoboโ Diaz, Pangalawang Punongbayan Jasmin Tria Fernandez, at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang programang ito ay sumasalamin sa patuloy na malasakit at suporta ng pamahalaan sa ating mga tsuper na nagsusumikap araw-araw para sa kanilang pamilya at sa buong komunidad.